top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayaw uminom ng gamot | 6 YRS. OLD GINULPI NI MOMMY, PATAY

Jeff Tumbado
Jan 3, 2019
1 min read

DINAKIP ng pulisya ang isang inadahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatayng kanyang 6-anyos na anak nalalaki sa San Remegio, Cebu.

Kasong parricide ang kinahaharap ng suspek na si Thelma Cabataña na napatay ang sariling anak na si Kent Joseph dahil sa nangyaring pambubugbog dito noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Joe John Ynot, labis umanong nainis ang ginang sa anak dahil ayaw nitong uminom ng gamot para sa kanyang lagnat.

Sinasabing pinalo nang pinalo ni Cabataña ang anak hanggang sa mahulog ito sa unang palapag ng kanilang bahay na dahilan para masawi ito.

Napag-alaman na personal pa na dinala ng ina ang walang buhay na katawan ng anak sa North Funeral Homes para maembalsamo.

Nang makita ng embalsamador ang puro pasa ang katawan ng bata ay naghinala ito at tumangging embalsamuhin ang biktima.

Sa halip ay tumawag ito sa pulisya at humingi ng tulong sa mga ito.

Kalaunan ay inamin din ng ina sa mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak. Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya si Cabatañana hiwalay sa kanyang kinakasama. (Jeff Tumbado)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page