top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak arestado | TATAY PINAGPAPALO NG BAKAL SA ULO, TODAS

  • Maeng Santos
  • Jan 3, 2019
  • 1 min read

DEDO ang 54-anyos na biyudo matapos pagpapaluin ng bakal sa ulo ng kanyang anak sa unang araw ng taon sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan si Lito Magbanua, biyudo habang nakapiit naman ang suspek na si Rhenzie, 27.

Sa ulat nina SPO1 Junedy Narsica at PO3 Jenny Ryan Rodriguez kay Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel, alas-7:30 ng gabi, natutulog ang biktima sa salas ng kanilang bahay sa Sitio 2, San Vicente Ferrer, Bgy. 178, Camarin nang dumating ang suspek na lango sa alak saka kumuha ng bakal at paulit-ulit pinagpapalo sa ulo ang kanyang ama sabay sinigawan, “Pu—ina mo, dapat kagabi pa kita papatayin”.

Nang marinig ng anak na babae ng biktima na si Rhona Mae ang kaguluhan, agad itong nagtungo sa salas at laking-gulat nito nang masaksihan na pinagpapalo sa ulo ng kanyang kuya ang kanilang ama bago paulit-ulit pang pinagsusuntok sa ulo.

Humingi ng tulong si Rhona Mae sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bago itinurnover sa pulisya kasama ang ginamit nitong bakal na may bahid ng dugo para sa proper disposition.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdinand del Rosario, nahaharap sa kasong parricide ang suspek sa piskalya ng Caloocan City habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page