‘Pag binabanatan ni Digong — Palasyo | SIMBAHAN, ‘WAG PIKON

IGINIIT ng Malacañang na hindi umano dapat masaktan o mapikon ang Simbahang-Katolika laban sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paraan lang ito ng pangulo upang subukan ang paniniwalang itinuturo ng Simbahan tulad ng Tatlong Persona ng Diyos.
Sa halip aniya na mapikon sa mga ganitong pahayag, sinabi ni Panelo na dapat kunin itong pagkakataon ng Simbahan upang patatagin ang kanilang pananampalataya at bigyan ng liwanag ang taong naghahanap ng katotohanan.
Layunin lang aniya ni P-Duterte na magkaroon ng intellectual discussion para sa kaliwanagan ang taumbayan tungo sa pagkakaroon ng katapatan na kailangan para sa moral regeneration ng isang bansa.
Matatandaang, sa talumpati ng pangulo noong Sabado sa Kidapawan ay muli nitong kinuwestiyon ang ilang paniniwala ng mga Katoliko tulad ng pagkakaroon ng Tatlong Persona ng Diyos.





Comments