Tulak tiklo sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Jan 2, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Osias, Kabacan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Roger Campos, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Campos na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments