top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng bansa, mga Pinoy, nananatiling positibo ngayong 2019!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
2 min read

BAGONG TAON, bagong kabanata ng buhay at pag-asa, ito ang dapat isa­buhay ng lahat ng mamamayan nga­yong 2019.

Kaya magandang balita na sa sur­vey ng Social Weather Stations hing­gil sa pananaw ng mamamayan tung­kol sa pagpapalit ng taon, 92 porsi­yento ng mga Pilipino ang nagsabi na sasa­lubungin nila ito nang may pag-asa.

Matatandaang, noong 2018, ka­liwa’t kanan ang mga krimen, kala­midad, suliraning kinaharap ng ban­sa tulad ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, gayundin ng petrolyo, kakulangan sa suplay ng bigas at marami pang iba, pero nakatutuwa na tayong mga Pili­pino ay pinipili pa ring magkaroon ng bagong pag-asa para maiayos pa ang ating buhay, gayundin ang ekono­miya ng ating bansa.

Gayunman, ikinatuwa rin ng pa­mahalaan ang resultang ito kung saan ayon kay Presidential Spokes­person Salvador Panelo, sa pagiging optimistic ng mga Pinoy, naniniwala siya na walang epekto sa nakararami ang pambabatikos at negatibong kri­tisismo sa administrasyong Duterte.

Samantala, kaybilis ng panahon, nagpalit na naman ang taon, pero ang hiling natin ngayon ay manatili sana ang positibong pananaw na ito na makapagbibigay ng magandang epekto hindi lang sa ating buhay kun­di maging sa ating bayan.

‘Ika nga, kasabay ng Bagong Taon ay kailangan na rin tayong magba­gong-buhay kung saan kailangan na­ting umpisahan na mas maging pro­duktibo tayo sa bawat araw gayun­din, paigtingin ang respeto at displina ng bawat isa.

Maniwala at manalig lamang tayo na ngayong 2019, mas maraming bi­yaya at magandang balita ang ating ma­tatanggap, iwanan na natin ang mga hindi magagandang pangya­yari noong nakaraang taon.

Manigong Bagong Taon, mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page