top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, kinokopya ng ibang mga lider ng bansa?! Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
1 min read

Tumigil ang ulan sa mismong New Year.

Salamat sa Diyos!

◘◘◘

Nominado sa pagi­ging “Man of the year” si NCRPO Director General Guillermo Eleazar.

Dapat lang!

◘◘◘

Pumapalag na ulit si North Korean Strong­man Kim Jong Un!

Giyera na ulit?

◘◘◘

Maraming leaders ang kumokopya raw kay P-Digong.

Pinakahuli ay ang bagong pangulo ng Brazil!

◘◘◘

Malinaw na iba ang gusto ng mayorya ng tao sa mundo kaysa sa gusto ng academician.

Bago na ang ideo­lohiya sa mundo!

◘◘◘

Nalipasan na ng uso ang demokrasya at komunismo.

Kailangan natin ang bagong world leader na level-up ni P-Digong.

D’yan patungo ang modernong heneras­yon!

◘◘◘

Nakababad ang ka­bataan sa internet.

‘Yan ang bagong ismo na babago sa daigdig!

◘◘◘

Ngayong 2019, isang ismo ang eeksena sa World Wide Web.

Ito na ang simula ng pagbagsak ng makapangyarihang bansa!

◘◘◘

Magulo ang daigdig sapagkat nalipasan na ng panahon ang mga ham­­bog na world lea­ders.

Dapat nang maki­alam ang kabataang nakabase sa internet.

‘Yan ang cyber kids revolution!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page