top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Karahasan at kalaswaan, bukambibig ni P-Digong?! Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
2 min read

KARAHASAN AT KALASWAAN ANG PALAGING LUMALABAS SA BIBIG NI P-DUTERTE — Kapag si P-Duterte ay humaharap sa publiko, dalawa lang ang kadalasang lumabas sa bibig nito, kung hindi karahasan ay kalaswaan.

Karahasan na kesyo ipapapatay daw niya ang lahat ng mga rebeldeng NPA pati ang mga tagasuporta ng mga rebelde, tuloy din daw ang “bloody drug war” na kung saan pati ang mga Obispo, iniuutos daw na patayin at ang Diyos, minumura at sa isyu naman ng kalaswaan ang huling ibinida niya ay ang pambabastos daw niya sa kani­lang kasambahay noong kabataan niya.

Onli in da Pilipins ang ganyang klase ng pangulo na kung saan ang palaging bukambibig ay karahasan at kalaswa­an, pwe!

◘◘◘

IMBES IBASURA ANG TRAIN LAW, MAGKAKA-TRAIN LAW 2 PA — Ayon kay talent manager/showbiz writer Ogie Diaz, madalang na raw ang mga nanonood ng sine. Sabi naman ng mga may-ari ng tindahan ng mga pa­putok ay malaki raw ang hinina ng kanilang negosyo at kapuna-puna rin sa mga mall na karamihan sa mga pumupunta rito ay gumagala o nag­papalamig lang kasi ang iba, hindi na­man namimili na marahil ay dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Patunay ‘yan na malaki talaga ang naging epekto ng TRAIN Law o dagdag-tax ni P-Duterte sa publiko, pero ang masaklap, imbes ipabasura ng pa­ngulo ang pahirap na TRAIN Law, eh, ang gusto pa ngayong taon ay magka-TRAIN Law 2, hu-hu-hu!

◘◘◘

NGAYONG 2019, MAS MADUGO ANG ‘DRUG WAR’? — Sinabi ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na mas paiigtingin daw nila ngayong 2019 ang “drug war” ng Duterte gov’t.

Parang sinabi na rin ng PNP chief na mas marami pang dugo ng mara­litang mga Pinoy ang dadanak sa lan­sangan, susmaryosep!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page