top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | ENERO 2, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 2, 2019 (Miyerkules): Ma­lambot ang iyong puso kaya sa lahat ng klase ng tao, ikaw ang pinakama­sarap magmahal. Hindi ka puwedeng kalimutan ng mga magiging bahagi ng iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit ang ma­kapal at ma­itim na usok sa Bagong Taon ay hindi makaaawat sa ningning ng mga bituin. Tulad sa buhay mo, pansamantala lang ang madilim na ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-9-11-13-28-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kaka­ya­han ng ta­ong gustong maging ba­hagi ng iyong buhay. Hu­wag ka kaagad maniniwala sa mga salita. Pag-aralan mo ang kanyang kilos at nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-31-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Sakyan mo ang masa­yang pang­yayari sa iyong buhay. Magugulat ka da­hil dadalhin ka nito kung saan makahaharap mo ang mismong inilaan sa iyo ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-39-40-45.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi masa­ma ang mangop­ya dahil ang lahat ay may kakayahang gawin ito, pero mas maganda kung kokopyahin mo ang hakbang tungo sa mata­gumpay na buhay. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-17-29-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ku­mukupas ang lahat sa mun­do, kukupas din ang mga suwerte mo, pero ang masayang balita ay nagsasabing, nagbabalik na may kakaibang lakas ang iyong mga buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-22-27.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lungkot ang dala ng ma­ku­limlim na pa­­nahon. Ito rin ang pana­hon ng pagsusuri sa na­karaan kung may kaila­ngang ayusin o itama, ito ay dapat tanggapin at hin­di dapat ikaila. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lot­to-9-11-17-18-29-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Kung hin­­di ka na masaya, bakit mo darayain ang iyong sarili? Kaya alam mo na kung ano ang dapat mong ga­win. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-21-28-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang sarili mo sa bagay na alam mong mahihirapan ka. Mas ma­gandang ang piliin mo ay ang masarap na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-26-31-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpa­ta­ngay sa gus­to ng iba, kung sila ang may gusto, eh, ‘di sila na lang ang gumawa nito. Ha­wak mo ang iyong kapa­laran, bakit ka papayag na sila ang magdesisyon para sa iyo? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-19-21-28-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kaya na­bibigo ang tao, ito ay da­hil pi­­nipilit niya ang ba­gay na hindi niya kayang ma­kuha. Ngayong alam mo na ang katotohanan, dapat alam mo na rin ang iyong gagawin. Masu­werteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-24-28-33-38-40-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong mapa­lapit sa taong palagi mong nakakasa­ma. Hindi ibig sabihin nito ay masama ang epek­to niya sa iyo kundi ma­laki ang posibilidad na mahu­log ang loob mo sa kan­yang nang todo-todo. Ma­suwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-18-20-25-29-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakahahawa ang sigla at saya kung saan ito ang kailangan mo sa iyong buhay nang sa ga­yun ay masimulan mo na ang positibong paraan para sa iyong magandang kinabukasan. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-27-32-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page