top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Habang nagbi-videoke | TSERMAN NIRATRAT, TODAS

Paul Lamsen
Jan 2, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang barangay captain makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Abra, Benguet.

Kinilala ang biktima na si Bgy. Chairman Dionisio Martin, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, kumakanta ang kapitan sa videoke nang puntiryahin ng mga salarin na nakatago sa mga puno at mga matataas na damo.

Pinagbabaril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktima na ikinasawi nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page