top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dahil sa pera… VILMANIANS NI VILMA, WATAK-WATAK NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
1 min read

MARAHIL, dahil sa kabisihan ng Star for All Seasons at congresswoman ng 6th District ng Lipa City, Batan­gas, hindi namamalayan ni Ms. Vilma Santos-Recto na nag-aaway-away na at nagkaka­watak-watak ang grupong VSSI (Vilma Santos Solid International) na halos apat na dekada nang naitatag sa pamumuno ni Jojo Lim, ang kanilang pangulo.

Nagkaroon na nga ng breakaway group ang VSSI at nagtatag ng panibagong alyansa si Willie Fernandez na siyang pangulo ngayon ng VSFFI (Vilma Santos Fans Forever Int’l.). Sa kanilang pre-New Year gathering last December 30 sa Chef Laudico, San Juan na may motif na Filipiniana, nakausap namin ang ilang officers gaya ni Errol na ang dahilan umano kung bakit sila tumiwalag kay Jojo ay ‘pera’.

“It’s all about VSSI funds. Last time, nagbigay ng P50 K pondo si Ate Vi (palayaw ng aktres-pulitiko) pero ‘pag tinanong mo si Jojo, nagagalit. Anong klase siyang pangulo?” sumbong ni Errol sa amin.

May blessing naman daw ni Ate Vi ang bagong tatag na grupo dahil sa Christmas party ng VSFFI sa Aberdeen Court last December 22, tumawag at nakipag-phone patch pa si Ate Vi kay Willie.

“O, ano’ng sinasabi nilang hindi kami ina-acknowledge ni Ate Vi? Kinukumusta pa nga kami,” pagma­malaki pa ni Willie kay Jojo.

Sana naman, mamagitan si Ate Vi sa away ng kanyang mga fans para mag­kaisa silang muli.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page