CURRY AT DURANT, DINALE ANG SUNS SPURS, ‘DI PINAPORMA ANG CELTICS
- BULGAR

- Jan 2, 2019
- 2 min read

PITONG mga manlalaro ang nag-ambag ng kani-kanilang puntos tungo sa 24-7 run upang umungos sa first half na kalamangan ang Golden State Warrios na siyang umalagwa pagdating na 2nd quarter upang maiangat sa panalo ang iskor laban sa Phoenix Suns, 132-109 sa NBA game kahapon.
Nagbagsak si Stephen Curry ng 34 puntos habang may 25 si Kevin Durant nang talunin ng Warriors ang Suns para sa ika-17 sunod na beses, kabilang na ang walong diretso sa Phoenix.
Nagtala si Deandre Ayton ng 25 puntos, 10 rebounds at double-double para sa Phoenix na natalo ng ikatlong diretsong laro nang buksan ang seven-game homestand.
Napaglaruan muna ng Suns ang Warriors sa halos 19 na minuto bago pa umalagwa si Curry ng 6 puntos, si Andre Iguodala ay may 5, si Durant ay may 4, Jonas Jerebko ay 3, si Shaun Livingston 2, Quinn Cook 2 at Jordan Bell 2 kung saan lahat ay umiskor sa huling 5:06 sa final time ng second period upang matulungan ang Golden State na buksan ang 69-52 sa halftime na kalamangan.
Ang 3 puntos mula kay Cook ang naglagay sa Warriors ng 109-87 na kalamangan pagpasok ng 4th period. Bumanat si Curry ng tres puntos habang may 3 rin si Durant para sa Warriors na lumamang sa Suns ng 42-27 sa gilid ng court.
Dumagdag si Klay Thompson ng 15 puntos, habang si Livingston at Bell ay may tig-10 bawat isa para sa Warriors na nagwagi ng ikalawang beses matapos ang dalawang sunod na pagkatalo. Ang double-double ni Ayton ay ika-23 niya ngayong season. Nakagawa siya ng 9 sa kanyang 17 tirada. May 24 puntos si T.J. Warren, may 20 si Devin Bookier at si Kely Oubre Jr., ay may 15 para sa Suns.
Sa iba pang laro, may pinagsamang 21 puntos sina Derrick White at LaMarcus Aldridge pagdating ng third quarter nang magpaulan ang San Antonio Spurs ng 46 puntos sa unang half, nagpasabog ng 46 sa ikatlong period upang talunin ang Boston Celtics, 120-111.
Si Aldridge ay maykabuuang 32 puntos, 9 rebounds nang trumangko ang Spurs ng 12 puntos bagamat nahirapan sila sa first half, nagdala ng ika-7 nilang sunod na home victory laban sa Celtics. Umiskor si Jaylen Brown ng 30 puntos na hindi pa nagwagi ang Celtics sa San Antonio mula pa noong Marso 2011. (ATD / MC)





Comments