top of page
Pokwang.jpg

Call center agent tiklo sa paputok

Gina Pleñago
Jan 2, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa paggamit at nakuhanan pa ng iligal na paputok sa parking area sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Jose Zoilo Alberto, 29, binata, call center agent, residente ng Bgy. San Lorenzo.

Base sa ulat ni Makati City Police Chief Senior Supt. Rogelio Simon, naganap ang insidente sa Salcedo Parking sa Rufino Street, Legazpi Village, Bgy. San Lorenzo sa Makati City, alas-12:30 ng hatinggabi.

Habang nagpapatrulya sina Chief Insp. Cosme Tante, Jr. at PO3 Lawrence Florendo sa bisinidad ng Legazpi Village nang makarinig ng ilang putok ng paputok sa loob ng nasabing parking area.

Pagpasok ng dalawang pulis sa parking area, nakita nila si Alberto na sinisindihan ang paputok.

Sinita nila ito kung saan nakuhanan pa ng isang set ng 1,000 rounds ng Judas Belt at 72 pirasong kwitis na sanhi ng kanyang agarang pagkakadakip.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng paglabag sa Pyrotechnic Law Devices (RA 7183) sa Makati Prosecutor’s Office laban kay Alberto na nakakulong ngayon sa detention cell ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page