top of page
Pokwang.jpg

Bilang ng nabiktima ng paputok, nabawasan, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
1 min read

HAPPY New Year, mga ka-BULGAR!

Happy talaga dahil kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon, naitala ang ‘biggest drop’ sa bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Bagama’t, mayroon pa ring mga nabiktima, ayon sa Department of Health, malaking bagay na mas mababa ito ng 68% kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Mula Disyembre 21, 2018 hanggang January 1, 2019, aabot sa 139 ang firecracker-related injuries ang naitala ng DOH.

Mas mababa kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon na may 428 kaso.

Tulad ng mga nakaraang taon, pawang mga nasugatan sa kwitis, boga, piccolo at luces.

Gayunman, posible pang magbago ang bilang kapag nakarating na sa ahensiya ang mga ulat mula sa probinsiya.

Dalawa sa maaaring dahilan ay ang Executive Order No. 28 na nagbabawal sa paggamit ng paputok at ang maulang panahon.

Patunay din ang mababang bilang na kaya nating sumunod sa batas at maging disiplinado.

Puwede namang maging masaya at maingay ang pagsalubong nang hindi nalalagay sa peligro ang buhay.

Sana sa mga susunod na taon, lalo pang bumaba o tuluyan nang ma-zero ang bilang ng mga biktima ng paputok para lahat happy!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page