64 kahon ng paputok kinumpiska
CAGAYAN DE ORO CITY—Kinumpiska ng mga awtoridad ang 64 kahon na naglalaman ng mga iligal na paputok, kamakalawa sa Bgy. Nazareth sa lungsod na ito.
Pansamantala munang hindi pinangalanan ang mga suspek na nakumpiskahan ng mga iligal na paputok habang isinasailalim pa sila sa masusing imbestigasyon.
Nabatid na kinumpiska ng mga awtoridad ang mga paputok dahil walang maipakitang permit ang mga suspek mula sa PNP-Firearms and Explosives Office (FEO).
Sa tantiya ng mga awtoridad ay aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang nakumpiska nilang paputok sa pag-iingat ng mga suspek.





Comments