2 kulong sa shabu at baril
KALABOSO ang isang construction worker na umano’y sangkot sa iligal na droga matapos magpaputok ng baril kasama ang kanyang katrabaho ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Navotas City.
Kinilala ang mga suspek na sina Alexander Illustrisimo alyas Sander, 27, at Glenn Monares, 36, kapwa ng Bgy. NBBN matapos maaresto ng mga tauhan ng PCP-3 sa kanto ng R-10 at Linchanco St., alas- 6:45 ng gabi nang isang concerned citizen sa lugar ang nag-report ng insidente sa pulisya.
Ayon kay Navotas Deputy Police Chief for Administration Supt. Ferdinand Balgoa, isang cal. 45 pistola na may magazine at kargado ng dalawang bala ang narekober kay Illustrisimo habang isang basyo ng bala ang nakuha ng pulisya sa naturang lugar.
Nang kapkapan, nakuha pa sa mga suspek ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu habang aalamin pa ng pulisya ang background ng mga suspek matapos ang natanggap na report na sangkot umano ang mga ito sa kasong pagpatay at may nakabimbing kasong concealing deadly weapon.
Inamin ni Illustrisimo ang pagpapaputok ng baril subalit, itinangggi nito at ni Monares ang nakuhang sachet ng shabu.





Comments