‘PINAS, HANDA NA SA TUNEUP NG WORLD BASEBALL C’SHIPS

KUNG ang karamihan sa mga National Sports Associations ay abala sa kanilang paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games, ganoon din ang mga manlalaro sa baseball na lalahok sa World Baseball Championship sa taon kapapasok bilang paghahanda sa 11-nation biennial meet kung saan sila ang defending champion.
Binubuo ng mga batang manlalaro galing sa UAAP na masusing sinala at pinili ng coaching staff, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga bigating koponan sa mundo kasama ang Estados Unidos, Japan, South Korea at Chinese Taipei at mga bansang mula sa limang continents. “We have to be prepared and well-honed because the competition is tough where top baseball teams in the world are competing,” sabi ni PABA president Joaquin “Chito’ Loyzaga.
Ang nasabing torneo ay may basbas ng International Baseball Association. Ang iba ay nakabase sa US ang governing body ng baseball sa mundo. Nagkaroon ng tsansa ang ‘Pinas na makapaglaro sa prestihiyosong torneo matapos makapasa sa qualifying tournament na ginawa sa Chinese-Taipei na nilahukan ng Japan, South Korea at Chinese Taipei na tinaguriang Asia’s “Big Three”.
Ang Pinas ang reigning SEA Games at East Asia Cup II champion at No. 4 sa Asia sa likod ng Japan, South Korea at Chinese Taipei at ranked No. 18th sa world. Naging pang-apat ang ‘Pinas dahil hindi sumali ang China sa Asian Baseball Championship na ginawa sa Chinese Taipei. Bukod sa ‘Pinas, Japan, Korea at Chinese-Taipei, sumali rin ang Sri Lanka, Hong Kong, Pakistan, Thailand at Indonesia.
Ngayon lang lalaruin ang baseball sa SEA Games matapos ang walong taon. Hindi nilaro ang baseball sa apat na SEA Games na ginawa sa Laos, Myanmar, Singapore at Malaysia. Unang nilaro ang baseball sa SEA Games noong 2005 na napanalunan ng ‘Pinas at matagumpay na napanatili ng mga Pinoy hanggang 2011 edition sa Indonesia. Kamakailan nagsagawa ng tryouts para piliin ang magagaling na manlalaro na kakatawan sa ‘Pinas sa 2019 SEA Games at ibang overseas baseball tournaments sa 2019.





Comments