Van tumagilid, sumalpok sa bahay, 3 nadale
Levi Gonzales
Dec 31, 2018
1 min read

TATLO ang sugatan kabilang ang driver ng van nang sumalpok ito sa isang bahay sa Maharlika Highway, Bgy. Viñas, Calauag, Quezon, kahapon.
Ayon sa Calauag Police, galing sa Maynila at patungo sa Bicol ang van nang mangyari ang insidente.
Bago sumalpok sa bahay, nagpagewang-gewang pa ang van at tumagilid. Ayon sa driver, may iniwasan siyang kasalubong.





Comments