top of page
Pokwang.jpg

Utol sinaksak ni kuya

Pabs Hernandez III
Dec 31, 2018
1 min read

CAGAYAN—Isang 50-anyos na lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid, kamakalawa sa Bgy. Sta. Rosa, Abulug sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Apegu, samantalang, ang suspek ay ang kanyang kuya na si Jerry, 53-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid tungkol sa away ng kanilang mga batang anak kaya sinaksak ng suspek ang biktima.

Ginagamot na sa ospital si Jonathan, samantalang, agad nadakip ng pulisya si Jerry.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page