Utol, ginagawa raw ang magustuhan… KASAL NI ALEX SA BF, OKS NA KAY TONI
- BULGAR

- Dec 31, 2018
- 1 min read

WALANG problema kay Toni Gonzaga kung sakaling maisipan nang magpakasal ng kanyang younger sister na si Alex Gonzaga sa non-showbiz boyfriend na si Mikee Yambao.
Tutal nga naman ay nasa wastong edad na ang kapatid bilang 30 years old na rin ito.
“Si Alex ang tipo ng tao talaga na hindi mo madiktahan. Kung ano talaga ‘yung feel niya, kung ano ang nasa puso niya, ‘yun ang ginagawa niya.
“So, if ever na darating ang araw na ikakasal na talaga siya, siyempre, susuportahan ko siya,” ani Toni.
As for her married life, aminado naman ang aktres-TV host na masayang-masaya sa piling ng asawang si Paul Soriano at anak na si Seve.
Happy siya na napakabait ng kanyang asawa na araw-araw daw ay talagang sinasabi kung gaano siya kamahal.
“Ang affection ni Paul is through words and affirmation. Ganyan ang pag-show niya ng love. ‘Yun ang kanyang love language.”
Siya naman daw ay hindi ma-words at nahihiya siya.
“Feeling ko, parang ang dami ko nang nasabi sa pelikula na lines. ‘Pag sinabihan ko siya, parang iisipin niya, ‘Nakuha mo lang ‘yan sa script.’ Parang nahihiya ako,” sey ni Toni.
Hindi raw masyadong mahilig magbigay ng material gift si Paul pero binilhan naman siya nito ng van noong ikasal sila bilang wedding gift sa kanya.





Comments