Magsasaka tiklo sa shabu
Pabs Hernandez III
Dec 31, 2018
1 min read
ISABELA—Isang magsasaka ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Villasis, Santiago City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Wilson Gabriel, nakatira sa Bgy. Caguillingan, Cordon sa nasabing lalawigan. Ayon sa ulat, isang sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng pulisya sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Gabriel na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments