top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | DISYEMBRE 31, 2018 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 31, 2018 (Lunes): Hindi ka mabibigo sa mga ambisyon mo. Simple lang ang kailangan mong gawin para matupad ang mga ito, ‘yun ay ang unahin mo ang iyong sarili.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit masaya ang paligid, may ilan pa ring malung­kot. Gayunman, huwag mo silang pansinin, kapag masaya ka, dapat mo itong panatilihin. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-9-11-18-23-28-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Planuhin mo ang iyong bu­hay dahil ang taong walang plano ay hindi umaasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-18-22-28-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Iniisip ng iba na ang taong mabilis kumilos ay hindi nag-iisip. Pero, iba ka sa kanila dahil mabilis ka, kaya maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-29-33-36-41-44.

CANCER (June 21- July 22) - Iwasan mong maging abala para sa kapakanan ng iba. Ito ang pagka­kamali ng marami na nakalimu­tan ang sariling kaligaya­han dahil sa pagsasakripis­yo para sa kapwa. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-29-30-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Akala ng marami, ka­ya ka nilang daigin. Ang hindi nila alam, hindi mahalaga sa iyo ang kumpetisyon at ang isa pang hindi rin nila alam, matatalo mo sila kahit hindi ka gaanong kumilos. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang dapat tapusin. Hindi maganda kung ipagpapaliban mo ang mga ito. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-19-27-38-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagbibigay mo ng saya, ang totoo, sapat ng maging bahagi ka ng buhay ng tao dahil masaya siya kapag masaya ka. Ito ang lihim ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-24-35-36-37-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip lang ang lung­kot. Kaya kapag masaya ang isip, masasaya rin ang tao. Bakit ka paaapekto sa mga problema? Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-29-30-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansa­mantala lang ang saya na nakukuha sa pailaw, pero ang bunga ng pagsisikap ay panghabam­buhay. Magpailaw ka, pero ituloy mo ang iyong mga pagsisikap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-29-32-38-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalita ang ingay ng mga bata na sa susunod na taon ay mas maganda ang magiging buhay mo, gayundin maraming sorpresa ang ibibigay sa iyo ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo.

Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-21-26-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang susunod na taon para sa iyo. Marami ang mga luhang tutulo nang dahil sa iyo. Ang isa pang nakagugulat na maa­aring hindi mo pani­walaan ay ang luluha ka rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-21-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa masasama, ito ang payo ng mga dalub­hasa. Pero, ang tinu­tukoy ay masasamang pagkain na nakasisira sa kata­wan o sa kalusugan. Pakinggan mo ang payo at isa­buhay mo ito. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-25-31-39-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page