top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BOXING SA SEAG, MULING PALALAKASIN NG ABAP

  • Clyde Mariano
  • Dec 31, 2018
  • 1 min read

KUNG mayroon mang sport na kayang magbigay karangalan sa ‘Pinas sa 2019 Southeast Asian Games, isa na rito ang boxing.

Ang boxing na kung tawagin ay “poor man sport” ang tanging sport na nagwagi ng dalawang pilak at tatlong tanso sa Olympic Games at hanggang ngayon wala pang nakakapantay sa ginawa ng mga boxers sa kabayanihan nina silver medalists Anthony Villanueva at Mansueto Velasco at bronze medalists sina Jose “Cely” Villanueva, Leopoldo Serrantes at Roel Velasco.

Umaasa sa Alliance Boxing Association of the Philippine secretary general Ed Picson na muling mapapanindigan ang magandang imahe bilang source of pride ng Pinas sa international competitions at ang kanilang atensiyon sa ngayon ay nakasentro sa 30th SEA Games kung saan muli na namang makikipagbasagan ng mukha ang mga Pinoy sa mga bigatin kalaban sa 10 mga bansa kasama ang mahigpit na karibal na Thailand.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page