top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bago tayo magsaya, mag-ingay at magsalu-salo…TIPS SA PAGHAHANDA PARA SA MEDIA NOCHE!

Jersy Sanchez
Dec 31, 2018
2 min read

BUKAS ay Bagong Taon na, mga lodi! Bago tayo tuluyang magsaya sa pagsalubong sa taong 2019, ang tanong, ready na ba kayo sa paghahanda ng inyong pang-media noche? Kung hindi pa, narito ang tips para sa inyo upang makapaghanda kayo nang maayos ngayong darating na media noche:

1. GIVE ASSIGNMENTS. Para maiwasan ang pagtuturuan at pagpapasahan ng mga gawain, mga beshy, mabuting maglaan ng gawain sa bawat miyembro ng pamilya mula sa paghahanda ng mga kakailanganin, pagluluto ng mga pagkaing ihahanda hanggang sa paghuhugas at paglilinis ng mga kagamitan na ginamit sa paghahanda.

2. CLEAN KITCHEN. ‘Ika nga nila, mas nakagaganang magtrabaho kapag malinis ang lugar na iyong kinikilusan. Kaya huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa at maglinis na kayo ng inyong kusina bago tuluyang simulan ang pagluluto at paghahanda. Okie?

3. PREPARE. For sure, kumpleto na ang inyong kakailanganing sangkap sa inyong mga ihahanda kaya bago n'yo tuluyang simulan ang pagluluto, siguraduhing nakahanda na ang mga kagamitan tulad ng mga sandok, tupperware at mga rekado. Sa ganitong paraan, tuluy-tuloy kang makakikilos sa kusina at wala ka nang mga bagay na hahanapin pa.

4. ADVANCE. Tulad ng lagi naming ipinaaalala, hindi dapat advanced lang mag-isip, dapat advanced din kumilos, lodi! Inirerekomenda namin ang paggawa ng ilang bagay na puwede mong gawin nang maaga tulad ng paggawa ng salad, pagma-marinade at pagpapalambot ng mga karne. Oh, ‘di ba?

5. REST A LITTLE. Siyempre naman, beshy! Pahinga-pahinga rin para hindi natin salubungin ang Bagong Taon na haggard tayo. Ha-ha-ha! Mabuting maglaan ng lima hanggang sampung minutong pahinga tuwing mayroon tayong matatapos na gawain. Dahil dito, maiiwasan natin ang mabilis na pagkapagod at makapaglalaan pa tayo ng energy para magsaya sa New Year’s Eve. Copy?

6. ASK FOR HELP. Kung hindi na kaya ng iyong powers, beshy, mabuting humingi ng tulong sa iyong anak, kapatid o asawa. Sa ganitong paraan, mas mabilis mong matatapos ang iyong paghahanda at magkakaroon ka pa ng ilang oras para makapagpahinga.

Oh, ayan mga beshy, tiyak na makapaghahanda kayo ng media noche nang matiwasay dahil sa tips na ito. Huwag ninyong kalilimutang mag-enjoy at magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na inyong natanggap sa nagdaang taon.

Muli, masaganang Bagong Taon, mga lodi! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page