Sundalo dedo sa riding-in-tandem

NASAWI ang isang sundalo habang sugatan ang kanyang kasamahan nang pagbabarilin sa Cotabato City.
Kapwa sakay ng motorsiklo sina Privates First Class (Pfc.) Nerwin Delfin at Michael Haudar ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army nang tambangan ng dalawang lalaking lulan din ng motorsiklo.
Ayon kay Senior Supt. Rolly Octavio, naganap ang pamamaril sa Sinsuat Avenue na may 600 metro lamang ang layo mula sa Cotabato City Police Station.
Agad isinugod ang dalawa sa ospital pero, idineklarang dead-on-arrival si Delfin. Si Haudar naman ay inilipat sa mas malaking ospital. Nabatid pa na off duty ang dalawang sundalo nang sila’y tambangan.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga nasa likod ng krimen.





Comments