SPORTS EXCHANGE, PATATATAGIN NG MOU NG ‘PINAS AT SAUDI ARABIA
- Clyde Mariano
- Dec 30, 2018
- 1 min read

PARA mapalakas ang palakasan sa ‘Pinas at magkaroon interaction ang mga Pinoy athletes sa kanilang Asian counterparts sa pamamagitan ng sports exchange, nagkasundo ang ‘Pinas at Kingdom of Saudi Arabia sa isang Memorandum of Understanding (MOU).
Sa naturang MOU magpapadala ang ‘Pinas ng atleta sa Saudi Arabia at magpapadala sa bansa ang Middle East ng atleta. “This is done on reciprocal basis,” sabi ni Philippine Sports Commission deputy executive director Bureau of Coordinating Secretariat and Support Services Atty. Guillermo Iroy Jr. sa panayam sa kanya bago umuwi sa Davao. “The MOU designed to strengthen youth sports between the two Asian countries of different culture and religion,” dagdag pa ng dating football player at coach.
Ang Saudi Arabia, ang tinaguriang “Mecca of Islam”, ang huling bansang lumagda ng MOU sa PSC na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez upang mapalakas ang ugnayan sa palakasan ng dalawang bansa sa Asya.
Kilala ang ‘Pinas bilang basketball country at football, ang premier sport ng Saudi Arabia at isa sa powerhouse sa Asya. “It is important for the Philippines to have sports exchange with other countries to gain mileage through MOU,” ani Iroy.
Bukod sa Saudi Arabia, mayroon din kahalintulad na MOU ang Pinas sa Russia, Spain, Australia, China at Argentina. Ang MOU sa pagitan ng ‘Pinas at Argentina ay naganap ilang taon matapos lagdaan ang Sports Cooperation Programme ng PSC at Spain.





Comments