SHOWBIZ NEWSMAKERS NG 2018

10. Sexual Harassment sa Miss Earth
Pumutok ang balitang may sexual harassment na naganap sa ginanap na Miss Earth ngayong taon matapos magreklamo last November ang dalawang kandidata na diumano’y nakaranas ng sexual advantages sa isang sponsor ng beauty pageant.
Sa kani-kanilang Instagram account inilabas nina Emma Mae Sheedy ng Guam at Abbey-Anne Gyles-Brown ng England ang diumano’y naranasang sexual harassment sa sponsor ng show nu’ng pre-pageant activities pa lang.
Nabulabog ang mga organizers ng show dahil kumalat sa social media ang naturang issue.
Pero pagkatapos itong pag-usapan, tahimik na uli ang isyu sa sexual harassment lalo’t natakpan na ito ng pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018.
Wala na ring balita kung anong aksiyon ang ginawa sa inireklamong sponsor ng show.
9. Rico J. Puno
Ikinalungkot at ipinagluksa ng buong showbiz industry ang pagkamatay ng OPM legend na si Rico J. Puno na nakilala sa kanyang mga kantang May Bukas Pa, Lupa, Kapalaran, etc..
Namatay ang nakilala sa showbiz bilang Total Entertainer na si Rico J. sa edad na 65 nu’ng October 30, 2018 dahil sa atake sa puso.
Ilan sa mga showbiz celebrities na kasamahan ni Rico J. ang nagpahatid ng kani-kanilang pakikiramay sa beteranong singer tulad nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Ai Ai delas Alas, Gloc 9, John Estrada at marami pang iba.
Huling serye ni Rico J. ang Ang Probinsyano at napapanood din siya bilang isa sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.
8. Coco Martin
Nabulabog ang maraming fans ni Coco Martin nang akusahan ng Philippine National Police ang serye ng aktor na pinasasama raw ang imahe ng kapulisan, kaya binantaang hindi na tutulungan sa kanilang mga pangangailangan sa taping, ipapatigil pa ang pag-ere ng Ang Probinsyano.
Inireklamo ng PNP ang ilang eksena sa serye ni Coco dahil ipinipinta raw ang imahe ng kapulisan na masama kaya ipinababago nila ang plot nito.
Nakipag-usap ang pamunuan ng produksiyon ng serye ni Coco kasama mismo ang aktor sa mga opisyal ng PNP.
Pagkatapos ng masusing pag-uusap at selfie on the side, nagkaayos din ang dalawang kampo at tuloy ang pagpapalabas ng Ang Probinsyano.
7. Maine Mendoza & Arjo Atayde
Bago magtapos ang 2018, umingay sa social media ang balitang spotted na pagde-date nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang resto sa The Fort, na nasundan ng pagsasama diumano nila sa Bali, Indonesia kasabay ng pagse-celebrate ng birthday ng Kapamilya actor.
Nagsimula ang tsismis na “dating” at may relasyon na diumano sina Maine at Arjo nang magsama sila sa MMFF movie na Jack Em Popoy: The PulisCredibles. Hindi man sila ang magka-love team sa movie, naging close sila at ngayon nga ay balitang nagkakamabutihan na.
Wala pang diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa namamagitan sa kanila maliban sa sinabi ni Maine na masaya ang puso niya ngayon, at ganu’n din si Arjo.
6. Kris Aquino
Bagama’t dalawang taon nang walang TV show si Kris Aquino, patuloy naman ang pag-iingay nito sa social media dahil sa pagiging aktibo ng TV host sa pagpo-post ng kanyang kung anik-anik na videos at photos, bukod sa walang katapusan niyang emote sa kanyang love life.
At kahit walang TV show, nag-ingay si Kris nang mapasama siya sa Crazy Rich Asians movie kahit pa sabihing extra lang naman siya.
Bukod dito, muling pinag-usapan si Kris nang kasuhan ang dati niyang business partner na diumano’y nanloko sa kanya sa pera.
5. Sarah Geronimo
Naging headline ng mga news programs at newspapers ang pag-iyak at pagwo-walkout noon ni Pop Princess Sarah Geronimo sa ginanap na series of concert niya last April sa USA na ang last leg ay sa Las Vegas.
Hindi natapos ni Sarah ang pagkanta ng signature song niyang Forever’s Not Enough dahil nag-breakdown ang Pop Princess at inaming “I feel empty.”
Maraming espekulasyon noon ang lumutang na pagod na sa showbiz si Sarah at gusto nang mag-asawa.
Pero pagkatapos ng concert, naging box office hit pa rin naman ang Miss Granny movie niya with James Reid.
Sa ngayon, wala pa uling bagong teleserye at movie si Sarah pero natutuwa ang mga fans nila ni Matteo Guidicelli sa pagsubaybay sa kanilang social media posts kung saan makikitang mas madalas na ang bonding ng mag-boyfriend.
4. Vice Ganda
Mala-‘isang linggong pag-ibig’ naman ang peg ng sinasabing namagitang ‘closeness’ kina Vice Ganda at Phoenix player Calvin Abueva.
Halos ilang linggo o wala pa yatang isang buwan na pinagpipiyestahan ng mga ponies ni Vice ang ‘sayang’ nararamdaman ng kanilang idol dahil sa rumored relationship nito kay Calvin na nakasama pa nito sa Boracay, aba’y agad-agad nang kasunod ang balitang ‘hiwalay’ na raw ang dalawa.
Tuwang-tuwa pa namang sinabi ni Vice na sa lahat ng lalaking naging kaibigan niya, si Calvin lang ang naging proud sa friendship nila, tapos ngayon ay balitang together again na ang basketbolista at ang nakahiwalay nitong misis.
3. Bong Revilla, Jr.
Apat na taong hindi napanood si dating Sen. Bong Revilla, Jr. ng kanyang mga fans sa showbiz mula nang ma-detain siya sa Custodial Center ng Camp Crame dahil sa kasong plunder.
Nitong Dec. 7, sa wakas ay nakalabas na ang aktor-pulitiko kaya sobrang emosyonal si Sen. Bong at ang kanyang pamilya dahil sama-sama na silang nagdiwang ng Pasko ngayong taon.
Pero hanggang ngayon, samu’t sari ang reaksiyon ng madlang pipol sa kanyang paglaya — may mga natuwa at meron pa rin namang kumuwestiyon sa naging desisyon ng Sandiganbayan.
Sa 2019, muling tatakbo si Sen. Bong sa pagka-senador.
2. John Lloyd Cruz
Ikinalungkot naman ng marami lalo na ng mga fans ng box office drama actor na si John Lloyd Cruz ang pansamantala niyang pagkawala sa showbiz nang piliin niyang maging tahimik ang kanyang personal na buhay kasama ang current partner na si Ellen Adarna.
Bawat ganap sa buhay nina John Lloyd at Ellen ay sinubaybayan ng madlang pipol lalo nang mapabalitang ikakasal na sila at magkakaroon na ng anak.
Hanggang ngayon, bagama’t maingay na ang mga bali-balita at may mangilan-ngilang litrato na ang lumalabas tungkol sa pagkakaroon ng baby boy nina JLC at Ellen, wala pa ring pag-amin mula sa dalawa, kaya marami pa rin ang curious at hinihintay ang confirmation nila.
1. Catriona Gray
Party-party ‘di lang ang mga baklush na mahilig sa beauty pageants kundi maging ang buong sambayanan dahil sa ika-apat na pagkakataon, naiuwi ng ‘Pinas ang korona sa Miss Universe sa pamamagitan ng ating pambatong si Catriona Gray.
Ginanap ang Miss U 2018 nu’ng Dec. 17 sa Bangkok, Thailand kung saan 93 candidates lang naman mula sa iba’t ibang bansa sa buong universe ang tinalo ni Catriona.
Ang tanong kay Catriona sa Miss U, “What is the most important lesson you’ve learned in your life and how would you apply it to your time as Miss Universe?”
At ang winning answer niya, “I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is very... it’s poor and it’s very sad. I’ve always taught myself to look for the beauty in it, to look in the beauty of the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson. And this, I think, if I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children will have a smile on their faces. Thank you.”





Comments