Panawagan sa mamamayan upang masiguro na walang makalulusot na mga kawatan, pakikipagtulungan ang k
- BULGAR

- Dec 30, 2018
- 1 min read
NAG-umpisa nang maghanda ang ilan sa pagsalubong ng Bagong Taon kung saan kani-kanya nang luwas ang ating mga kababayan pauwi sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kaya ang mga kinauukulan, todo-higpit na rin, partikular na sa Ninoy Aquino International Airport upang maiwasan ang iba’t ibang klase ng krimen tulad ng pagnanakaw, human trafficking at marami pang iba.
‘Yun nga lang, ayon sa ilang mambabatas, tila sa NAIA lang umano nakapokus ang mga kinauukulan kaya nagpanukala sila na isagawa ang security measure hindi lang sa NAIA kundi sa lahat ng paliparan.
Alam nating walang pinipiling panahon, lugar at oras ang mga kawatan kaya mainam na mapanatiling maayos ang seguridad hindi lamang para sa mamamayan na gumagamit ng paliparan kundi gayundin, sa iba na gumagamit ng mga pampasaherong bus, RORO at marami pang iba.
Sa ngayon, mas okay na ang maghigpit basta masigurong ligtas ang lahat kaysa walang ginawa pagkatapos ay magsisisihan sa dakong huli.
Gayunman, ang panawagan natin sa lahat ng gagamit ng mga terminal, makipagtulungan tayo sa mga awtoridad nang sa gayun ay maiwasan ang gulo at krimen ngayong Bagong Taon.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments