Ministro at utol nakuryente sa kapilya, dedbol

KAPWA patay ang 21-anyos na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) at kanyang nakababatang kapatid makaraang makuryente sa loob mismo ng kanilang pinagsisilbihang kapilya sa Bgy. Minanga, Naguilian, Isabela.
Naisugod pa sa ospital si Dennis Dagman at ang 18-anyos nitong kapatid na si Mark Rendy subalit, binawian din ng buhay ang mga ito.
Ayon sa inisyal na ulat, minamantina umano ng magkapatid ang isang electric water pump nang aksidenteng mahawakan ng ministro ang katabing poste.
Sinubukan umanong hatakin ni Mark ang kanyang kuya ngunit, pareho na silang nakuryente na dahilan ng kanilang pagkasawi.
Napag-alaman sa imbestigasyon na kapwa nagdikit ang kanilang paa sa bakal na poste na nakadugtong naman sa live electrical wire.





Comments