Lalaking problemado matapos ma-endo
Dear Roma,
Matagal ko nang gustong humingi ng advice sa inyo tungkol sa pinagdaraanan ko. Ako si Archie, 25 years old, katatapos lang ng kontrata ko sa kumpanya na pinagtrabahuhan ko, kaya ngayon ay naghahanap ako ng bagong trabaho. Mayroon akong live-in-partner at may baby na kami na 1 year old pa lang. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga magulang ko dahil sila ang pansamantalang sumasagot sa ilang mga pangangailangan ng anak ko. Ano ang dapat kong gawin? Sana, matulungan ninyo ako. Maraming salamat! — Archie
Archie,
Napakabuti ng iyong mga magulang dahil hanggang ngayon ay tinutulungan ka pa rin nila kahit may sarili ka ng pamilya, ngunit, ang maipapayo namin sa iyo ay habang naghahanap ka ng trabaho, subukan mong magkaroon ng sideline sa mga kakilala o kaibigan mo nang sa gayun ay mayroon kang kitain kahit maliit na halaga. Puwede mo ring subukan na mag-apply sa iba pang kumpanya habang naghihintay ka ng tawag mula sa mga kumpanyang na-apply-an mo na. Hangad namin na makahanap ka na ng trabaho lalo na at magpapalit na ang taon. Kaya mo ‘yan, bro, isipin mo na lang na para sa pamilya mo ang iyong ginagawa. Good luck at God bless!





Comments