top of page
Pokwang.jpg

Kulong at multa sa mga pasaway na nagbebenta ng iligal na paputok!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2018
1 min read

“Kailangan munang madisgrasya bago madala.”

Ito ang madalas nangyayari sa mga matitigas ang ulo, hindi tumitigil hangga’t hindi nasasaktan. Tulad ng mga taun-taon nang pinagsasabihan sa pagpapaputok tuwing magba-Bagong Taon.

Pero, tulad ng sinabi natin, meron din namang natututo na at ayaw nang mapahamak.

Ayon sa report ng Department of Health (DOH), mahigit 50% ang ibinaba ng bilang ng mga fireworks-related injury ngayon kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Umakyat sa 43 ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng pa­putok mula Disyembre 21 hanggang kahapon.

Kung may mga nadala na sa paggamit, meron namang hindi pa rin tumitigil sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.

Mahigit P30, 000 halaga ng mga iligal at walang permit na paputok ang nakumpiska, partikular sa Divisoria.

May mga pasaway pa ring nagbebenta ng Piccolo, Watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo o Thunder Lolo, Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth o Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke In Can, Kabasi at iba pang unlabeled at imported na paputok.

Tila hindi natatakot magmulta ng P20, 000 hanggang P30, 000 at makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.

Bukod pa ang pagkansela sa lisensiya at business permits at lahat ng paninda o stock, kumpiskado!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page