KNOCKOUT WIN KAILANGAN NI NIETES KONTRA JAPANESE IOKA


EKSELENTE ang tsansa ni Donnie ‘Ahas’ Nietes upang maging 4-division world champion sa Bisperas ng Bagong Taon, ayon sa fight analyst na si Dennis Principe na lumabas sa ABS-CBN.
Ang 36-anyos na Negrense ay nakatakdang makipagbakbakan sa mas batang Japanese fighter na si Kazuto Ioka para sa pag-aagawang bakanteng world junior bantamweight title bukas, Lunes, Disyembre 31 sa Macao. “He’s the more veteran fighter and has more ring guile than Ioka,” ayon kay Principe. “Kasi si Ioka, napansin ko lang ‘pag ang kalaban niya is a mover, he tends to follow his opponent. Donnie Nietes is good at that.”
Isang bagay na dapat lamang umanong idagdag ni Nietes sa kanyang tikas ay ang kanyang pagka-agresibo. Hawak ni Nietes ang mga world titles sa mini-flyweight, junior-flyweight, at flyweight at ang isa pang controversial draw laban sa kababayang si Aston Palicte noong Setyembre.
Upang makaiwas daw muli na umabot sa draw ang laban, kailangan ni Nietes na pataasin pa ang intensidad laban sa Japanese fighter. “He should be more aggressive. If he’ll be wise sa laban na ito, he can win. But can he gain the attention of major TV networks?” ayon pa kay Principe, na naniniwalang kayang-kaya ni Netes na patulugin ang kalaban sa 7th round tulad ng ginawa niya kay top contender Juan Carlos Reveco noong Pebrero. “Knocking Ioka out is the only way for him to be able to realize his long time wish of facing the best pound-for-pound fighters of his division.”
Samantala sa Hollywood, ano pa ba naman ang kulay ng Manny “Pacman” Pacquiao training camp kung walang sinasabi ang kanyang mga tagasuporta na tulad ni World-Famous Freddie Roach, ang seven-time BWAA Trainer of the Year.
Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kasagupa ni Pacman na si Adrien “The Problem” Broner na inaresto noong Linggo sa Broward County, Florida sa bisa ng warrant of arrest dahil na rin sa hindi pagsipot sa mga patung-patong na kaso na isinampa sa kanya, sabi ni Roach dapat daw ay magpalit na ng taguri si Broner. “Sounds like Adrien should change his ring name from ‘The Problem’ to ‘The Fugitive.’ This may be the first time I face a corner that includes a bail bondsman!”
Nasa mainit na ngayong training sa Wild Card Gym ni Roach sa Los Angeles si Pacman (60-7-2, 39 Kos) ang tanging eight-division world champion, isang Senadot at BWAA’s reigning Fighter of the Decade, bilang paghahanda sa WBA welterweight world title defense kontra Broner (33-3-1, 24 KOs) ng Cincinnati.
Idaraos ang Pacquiao vs. Broner sa araw ng Sabado sa U.S. Enero 19 (Linggo sa ‘Pinas) sa MGM Grand Garden Arena. (MC)





Comments