HOROSCOPE | DISYEMBRE 30, 2018 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 30, 2018 (Linggo): Hindi ka puwedeng mamahinga dahil hindi mo pa naaabot ang pinakamataas na kalagayan na inilaan sa iyo ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang Bagong Taon nang nakataas ang iyong ulo. Magtiwala ka sa iyong kakayahan dahil ang hinahangad mong pag-unlad ay makakamit mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-24-30-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo nang hintayin na bigyan ka ng senyales para lang simulan mo ang iyong pangarap na pagkakakitaan. Ipakita mo sa langit na kung ano ang iyong gusto, gagawin mo ito! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-28-31-36-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Nasobrahan ang iyong pagsasaya sa nakaraang mga araw kaya kahit mas masaya ang mga susunod na araw, hindi mo na gugustuhing makaramdam pa ng saya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-28-31-39-40.
CANCER (June 21- July 22) - Lumalakad ang mga panahon at naiiwanan ang walang pangarap. Bakit ka papayag na maiwanan ka gayung may pangarap ka naman? Kaya kilos na! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-24-28-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo ang iyong pakiramdam na sa susunod na taon ay maraming suwerte ang magsisidapo sa buhay mo. Pero, kung hindi mo pahahalagahan ang mga biyayang kaloob sa iyo ng langit, masasayang lang ang mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-25-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dinaragdagan ang kulang at ang sobra ay binabawasan. Kulang na kulang pa ang iyong pagkilos at sobra-sobra ang pagpaplano mo sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-28-30-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang paulit-ulit na kapalaran mo dahil sa biglang tingin, idinaraan mo lang sa pangiti-ngiti ang buhay at ang iyong ngiti ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-12-26-34-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang basta-basta magtitiwala, ito ang payo para hindi ka magsisi. Kaya muli, huwag kang magtitiwala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-20-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoong sa mga araw na nagdaan at sa kasalukuyan, halos lahat ay sinusuwerte at masaya. Pero, sa susunod na taon, ikaw ang pinakabuwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-28-30-33-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Usung-uso ngayon ang paghugot, kaya ang payo para sa iyo ay nagsasabing, humugot ka ng lakas sa mga nagbibigay sa iyo ng inspirasyon. Ito ang susi sa mabilis na pagyaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-21-26-36-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang mga kaganapan na iyong ikagugulat, pero sa iyong pananahimik ang mga papasok sa isipan mo ay iyong mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-9-18-20-25-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Masyadong magulo ang isip mo ngayon. Mas mabuting gawin mo ang una mong plano, baguhin mo na lang ito kapag talagang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-18-24-26-38.




Comments