top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bata dedbol sa trak

Pabs Hernandez III
Dec 30, 2018
1 min read

CAPIZ—Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng trak, kamakalawa sa Bgy. Ato. Angel, Dumalag sa lalawigang ito.

Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima na residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, sumabit ang bata sa minamanehong trak ni Eufrosino Moreno, pero nahulog ang biktima kaya nasagasaan ito ng naturang sasakyan.

Namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Moreno.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page