Basura lang daw… SIGAW NG MGA NETIZENS: MOVIE NI VICE, IBOYKOT!


HINDI pa man naide-declare ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival ang kinita sa box office ng 8 official entries this year, may kumukuwestiyon na agad sa magiging basehan ng sinasabing kita ng Fantastica movie ni Vice Ganda.
Kumalat kasi sa Facebook ang isang post na nagpapakita ng movie poster ng Fantastica kung saan nakalagay na P130 lang ang halaga ng bawat ticket (provincial rate raw), samantalang ang regular na bentahan sa Metro Manila cinemas ay nasa P290 each na.
Mababasa sa post ng FB account na Writing in Tandem Against Corruptions-witac… “520.00 (2 tickets) ÷ 2 = 260.00/ticket
“Ang pinagbabasehan ng MMFF sa pagkwenta ng kinita ng isang pelikula ay sa benta ng ticket sa kung ano ang kalakaran nitong presyo.
“So, kung may sampung nanood ng Fantastica, ang kukwentahin nila ay sa bawat halaga ng ticket at lalabas na 2,600.00 (520.00/2 tickets). Pero sa actual na bilang ng pera base sa presyo ng ticket ng Fantastica na 130.00/ticket ay 1,300.00 lang ang kinita sa 10 taong nanood nito.
“So, hindi talaga masasabi na kumita ang Fantastica dahil bagsak-presyo sila masabi lang na pinilahan ang pelikula ng mayabang na kabayo.
“Note: mahina si witac sa Math kaya sa maliit na numero ko na lang ipinaliwanag. Hahaha..
Naisip ko lang po na kung ibabalita nila na php2.6 M halimbawa ang ticket sales sa tamang presyo, nangangahulugan na Php1.3M lang ang kinita sa bagsak-presyo nilang 130.00/ticket at babawasin pa ang capital na ginamit sa free popcorn.”
May nag-share sa FB ng naturang post at ang caption ay: “Wow-sold out movie ng kabayo. Haha half the price ang ticket price tapos may libre pa raw popcorn haha.”
Tinext namin ang MMFF publicist na si kapatid na Noel Ferrer para alamin kung may maba-violate bang rules sa filmfest sa pagbabagsak-presyo diumano ng ticket ng movie ni Vice Ganda, at sagot niya sa amin, “Call ng theater chain at produ ‘yan kapatid, lalo pa’t probinsiya ‘yan.”
Dagdag pa niya, “They shall declare it as is kapatid, they should say the right thing at hindi mag-pad, kasi may tax implications ‘yan if ever.”
As we write ay wala pang paglilinaw na inilalabas ang Star Cinema na producer ng Fantastica tungkol sa isyung ito. Pero mas mabibigyang-linaw sana kung maipapaliwanag nila kung bakit ganu’n nga kamura o half the price ang presyo ng bentahan ng tiket sa probinsiya na with matching popcorn pa raw para lang panoorin ang pelikula.
Samantala, bukod sa naturang issue, may ilan ding netizens ang nananawagan ng boycott sa movie ni Vice Ganda dahil sa kawalan daw ng kuwenta nito at tinawag pang ‘basura’.
Pero sa nakikita naming pila sa mga sinehan, parang hindi naman apektado ang Fantastica dahil ang dami pa ring pumipila rito at dedma naman ang mga manonood kahit may mga feedback na ngang kababawan lang ang movie ni Vice Ganda.





Comments