Bago mag-2019 elections | LISTAHAN NG MGA PULITIKONG SANGKOT SA DROGA, ILABAS


PABOR si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade bago ang 2019 midterm elections.
Sa panayam, sinabi ni Andanar na sang-ayon siya sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año para maalalayan ang publiko sa mga dapat iboto sa halalan.
Karapat-dapat umanong magkaroon ang bansa ng mga lider na hindi sangkot sa droga o anumang kriminalidad. (BRT)





Comments