2 turista patay sa pagsabog sa Egypt
- Jersey Sanchez
- Dec 30, 2018
- 1 min read
DALAWANG Vietnamese ang nasawi sa naganap na bomb attack sa Giza, Egypt.
Batay sa impormasyon, 12 ang naiwang sugatan kung saan sampu rito ay pawang Vietnamese nationals at Egyptians ang dalawa.
Isang homemade device umano ang sumabog alas-6:15 ng gabi (local time) na pinaghihinalaang inilagay sa Mariyutiya Street, Haram District na malapit sa Giza Pyramid.
Agad nagpadala ng mga kasapi ng security services sa naturang lugar upang imbestigahan ang pangyayari.





Comments