Traslacion 2019 pinaghahandaan na

IKINASA na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa nalalapit ng pista ng Itim na Nazareno sa Enero 2019 sa Maynila.
Sa ginanap na security briefing na pinangunahan ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar, kabilang sa agenda ang Traslacion ng Black Nazarene na idaraos sa Enero 9, 2019 sa Quiapo, Manila. Tinalakay sa security briefing at consultative conference ang ipatutupad na seguridad para masiguro na mananatiling payapa ang Traslacion 2019 na taun-taon ay dinarayo ng milyun-milyong deboto.
Inatasan ni General Eleazar si Sr. Supt. Vicente Danao, Jr. na magtatalaga ng sapat na bilang ng mga pulis at kagamitan sa lahat ng lugar na daraanan ng Traslacion.





Comments