Pag-imprenta ng mga balota, sisimulan na

SISIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) sa ikatlong linggo ng Enero 2019 ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa May 2019 midterm polls.
Ang pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez ay sa kabila ng wala pang nailalabas ang poll body na opisyal na listahan ng mga kandidato sa midterm elections.
Giit ni Jimenez, hindi naman sila nagmamadali at may sapat pa silang panahon para matapos ang listahan ng mga kandidato na papayagang makatakbo sa darating na halalan.
Ipinaliwanag ng Comelec official na kaya hindi pa nila nailalabas ang listahan ng mga kandidato ay dahil sa hindi pa sila tapos sa paglilinis ng listahan.
Marami pa aniyang may pending na kaso at mga apela na kailangan munang maresolba.
Sinabi ni Jimenez na nasa mahigit 140 ang bilang ng mga kandidato sa pagka-senador.
Sa nasabing bilang, ang natatanggal pa lamang nila ay ang mga nag-withdraw ng kandidatura.





Comments