top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paalala sa lahat ng mga magulang, huwag ibuhos sa anak ang galit na nararamdaman, lalo na kung wala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 1 min read

BATANG walang kamalay-malay, sinaktan, ibinitin nang patiwarik, pi­nag­sasampal at ginawang punching bag.

Sino ang hindi manggagalaiti sa tatay na kayang gawin ang lahat ng ito sa kanyang sariling anak?

Marahil, hindi na nga dapat tinata­wag na ama ang taong nasisikmurang saktan na parang hindi anak ang apat na taong gulang na bata.

Gayunman, nag-umpisa ito mata­pos umanong iwanan ng asawa ang suspek na si Melvin Batitis kung saan kitang-kita sa video kung paano niya ibinuhos ang kanyang hinanakit sa kanyang sariling anak.

Sa ngayon, nahaharap na sa ka­song child abuse ang suspek pero ayon sa kuwento mismo ng bata bukod pala sa pagbitin sa kanya ay isinisilid pa umano siya sa aparador ng kanyang ama. Grabe talaga!

Kaya ang panawagan natin sa la­hat ng mga magulang, huwag na­ting idamay ang ating mga anak sa proble­mang hindi dapat nila pinagdara­anan.

Tayo ang kanilang mga magulang kaya dapat tayo ang unang-unang poprotekta sa kanila at hindi ‘yung tayo pa ang nagmamaltrato at nana­nakit.

‘Yung iba nga riyan gustong mag­kaanak, pero hindi pa nabibiyayaan tapos tayong mga binigyan ay hindi marunong magpahalaga sa buhay.

Alam ng lahat, totoong hindi biro ang magpalaki ng mga anak, pero hindi ‘yun sapat na dahilan para sak­tan sila, gayung musmos sila at walang kamalay-malay.

Samantala, palagi nating tatanda­an na iba ang pagdidisplina sa pana­na­­kit at ‘yun ang dapat nating isaisip!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page