top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NEW YEAR, sasalubungin ng ulan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 1 min read

Ulan ang pasalubong sa New Year.

Isang bendisyon ini!

◘◘◘

Bagsak na ang industriya ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Pinabagsak siya ng gobyerno!

◘◘◘

Walang nahuhuling suspek sa pagpatay sa kongresista ng Bicol.

Paano ‘pag napatay si 'Juan', imposible ang kriminal?

◘◘◘

Ang Tatlong Mago ay tatlong mahuhusay na manghuhula.

Bangkarote ang ekonomiya ng daigdig.

Winasak ito mismo ng wall street insiders!

◘◘◘

Guilty ang prinsipe ng Saudi samurder ng isang journalist.

‘Yan ang paniniwala ng mga kalaban ng Riyadh!

◘◘◘

Milyun-milyong dolyares ang nabawas sa remittances ng OFW mula sa Middle East.

Isa itong krisis na inililihim ng pamahalaan!

◘◘◘

Dahil walang dollar remittances ang 10 milyong OFWs, lahat ng barangay ay bagsak ang domestic economy.

Walang pambili ng produkto ang pamilya ng ex-OFWs!

◘◘◘

Ready na tayo sa inaasahang Spratlys Island war.

Ang mga Pinoy, pakuya-kuyakoy lang!

◘◘◘

Milyong Tsino ang nagtatrabaho sa Pilipinas bilang laborer.

‘Pag nagkagiyera, isusuot nila ang uniporme bilang mga hene­ral!

◘◘◘

Hindi sasakupin ng China ang Maynila mula sa Beijing.

Masasakop ng China ang Plipinas mula lang sa Ongpin!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page