top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga purdoy sa Davao, buking na marami pa rin matapos ang 'pa-aginaldo' ni P-Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 2 min read

NAKIKI-FAKE NEWS NA RIN SI DATING DILG SEC. ALUNAN — Fake news lang pala ang isina­publiko ni ex-DILG Sec. Raffy Alu­nan na dating scalawag na police officer ang erpat ng ex-Ateneo bully student na si Joaquin, Jr.

Ayon kay PNP Spokesman, C/Supt. Benigno Durana, wala sa record ng PNP-Directorate for Personnel Records Management (DPRM) na naging pulis si Joaquin Montes, Sr., erpat ni Joaquin, Jr.

Patunay ‘yan na uso talaga ang fake news kasi mantakin n’yo pati ang intelihente at disen­teng tulad ni dating Sec. Alunan na kandidato pa naman sa pagka-senador, eh, naki­ki-fake news na rin, boom!

◘◘◘

MAHABANG PILA SA BAHAY NG PA­MIL­YA DUTERTE, BINATIKOS NG NE­TIZENS — Imbes papu­ri, batikos ang inabot sa netizens ng Pamilya Du­terte tungkol sa pamimi­gay nila ng “aginaldo” sa kanilang bahay na pinila­han ng may 40,000 ma­hi­hirap na taga-Davao City.

Sana, ang ginawa ng Pamilya Duterte ay ibi­nag­sak sa bawat baran­gay ang kanilang pang-”aginaldo” sa mga mahi­hirap, sana ay wala nang nahirapang maralita na pumipila nang pagka­haba-haba patungo sa bahay ng pangulo.

Ang masaklap, pina­pila ng pagkahaba-haba ang mga maralitang taga-Davao City tapos ang kumalat sa social media na ipinamigay lang ay maliit na plastic bag na “grocery” na kung susu­riin ang laman, eh, tila dalawang kilong bigas, dalawang latang sardinas at dalawang instant noodles lang ang mga laman nito, buwisit!

◘◘◘

MARAMI PA RIN NAGHIHIKAHOS SA DAVAO CITY—Sa totoo lang, shocking ang balitang mahigit 40,000 katao ang pumi­pila para makakuha lang ng pang-”aginaldo” sa Pamilya Duterte. Napa­ka­raming tao kasi niyan.

Ang middle class citizens, hindi magtiti­ya­gang pumila ng pag­kahaba-haba para lang makakuha ng “pamasko” sa pamilya ng mga puli­tiko tulad ng Pamilya Duterte na ibig sabihin, ang mga pumilang ‘yan ay mula sa mahihirap na pamilyang taga-Davao City.

Pagpapatunay ‘yan na marami pa ring nag­hi­­hikahos ang pamumu­hay sa Davao City tali­was sa idinadakdak ng mga alipores ni P-Du­ter­te na maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Davaoeño, period!

◘◘◘

CHINESE PAPU­TOK, LANTARANG IBINEBENTA SA DIVISORIA—Lanta­ran nang ibinebenta sa Divisoria ang mga naipuslit na Chinese paputok sa Bureau of Customs.

Patunay ‘yan na hindi natitigil ang smuggling sa Adwana kahit si ex-AFP Chief Gen. Rey “Jagger” Guerrero na ang head ng Customs, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page