Kelot tepok sa bahay
Pabs Hernandez III
Dec 29, 2018
1 min read
MASBATE—Isang lalaki ang sinaksak at napatay ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Pulo-Dacu, Mandaon sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Dennis Tornia, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay si Tornia nang pumasok ang suspek na kinilala sa alyas Nonoy at agad nitong pinagsasaksak ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments