top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit gaano ka-busy, quality time kasama ng pamilya, importante!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 2 min read

NGAYONG kalilipas lang na Pasko, dalangin natin na pagmamahalan at pagtanggap ang mamayani sa ating mga puso.

Bilang ina, alam nating minsan ay mahirap ibigay ang 100% natin sa la­hat ng bagay, ngunit, alam ninyo sa ka­launan ay magiging beneficial ang pagsasakripisyo natin ng ating pana­hon para sa ating pamilya.

The holidays are especially taxing for us moms. Talagang spread too thin tayo sa panahong ito dahil sa rami ng dapat akuing responsibilidad.

Ngunit, if we keep our cool, stay on our schedules and make sure na pla­nuhing mabuti ang lahat, for sure, ma­kararaos tayo sa Pasko nang mati­wasay.

But, Christmas planning aside, sana ay maalala natin na ang pinakama­halaga sa ating pamilya ay hindi ang mamahaling mga regalo, magaga­rang palamuti o enggrandeng handa kundi ang ating pagsasama bilang pamilya, lalo na sa inyong mga anak.

The time we spend with our chil­dren is the most important thing this Christmas. Walang tatalo sa ating pre­sence sa panahon kung saan kabi-kabila ang mga kasiyahan.

At the end of the day, when all the festivities die down, what matters most is that we are with family.

Tanungin natin ang ating mga anak at malamang isa sa pinaka-memo­rable sa kanilang panahon ay ang Pasko na kasama tayo.

Dahil ngayong panahong ito kung saan ang lahat ay may panahong na­kalaan upang gugulin sa isa’t isa, pinakama­inam na we focus on our family.

Sana, tayong mga nanay ay tumi­gil sa ating fast-paced na schedules upang ma-realize natin what really mat­ters this time of the year.

Minsan, nakalilimutan nating big­yang-pansin ang mga bata dahil sa rami ng ginagawa natin para sa salu-salo — that we forget for whom we are preparing this get together for.

Habang bakasyon, sana, we spend time with our family — I mean, truly spend time with them.

Kailan ba kayo nagkaroon ng ma­sinsinang heart-to-heart talk ng in­yong dalaga o kaya nakipaglaro sa inyong toddler na madalas ninyong mapagsabihan dahil nagta-tantrums habang kayo ay nag-aayos ng taha­nan?

They need your time and love and there’s no season best to show it than this Holiday Season.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page