Dahil sa suhol SECRET POLICE OFFICIAL, HABAMBUHAY KULONG
- Jersey Sanchez
- Dec 29, 2018
- 1 min read
HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang hatol sa dating mataas na opisyal ng secret police dahil sa isyu ng korupsiyon sa China.
Kinilala ang dating opisyal na si Ma Jian na dating vice-minister ng Ministry of State Security.
Si Ma ay isa sa mga most senior security na napiit mula nang makulong din noong 2015 ang dating domestic security na si Zhou Yongkang dahil sa pagkakasangkot sa graft scandal.
Ayon sa pahayag ng Dalian Intermediate People’s Court, bukod sa forced at insider trading, tumanggap umano si Ma ng malaking halaga ng suhol.
Matatandaang, inimbestigahan si Ma noong 2015 dahil sa isyu ng katiwalian.





Comments