top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong taon, buhay at pag-asa Ni: Aling Toyang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 1 min read

Malapit na, ilang tulog na lang at iikot na muli ang kalendaryo natin sa sala.

Hindi alam kung masaya o malulungkot sa mga

pangyayaring naranasan.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Ang sabi nila, Bagong Taon, bagong buhay at pag-asa,

pero, paano ba ‘yan, ‘yung buhay ko gumuho na?

Sa pagtatapos ng taon, mas nauna pa tayong natapos

at sa pagsalubong sa panibagong taon, isa ka na lamang alaala.

Bagong buhay at pag-asa!

Pag-asa na muli kang makikita at sa pagkakataong ‘yun, alam kong iba ka na kung saan masaya sa piling ng iba.

‘Ika nga, life must go on, kaya dapat

na talaga akong mag-move on.

Iwanan ang mapapait na karanasan at yakapin

ang magandang simula para sa kinabukasan.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page