3 huli sa aktong nagdodoroga
- Maeng Santos
- Dec 29, 2018
- 1 min read

KALABOSO ang tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor-de-edad matapos maaktuhang nagma-marijuana sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naaresto na sina John Rey Mier, 19, ng Dalandanan at ang dalawang binatilyo na edad 16.
Sa imbestigasyon ni PO3 Ana Liza Antonio, alas-3:20 ng hapon, nagsasagawa ng kanilang rout patrol ang mga barangay tanod na sina Edwin Cayabyab at Albert Torres sa Bgy. Bignay nang maaktuhan ng mga ito ang mga suspek na gumagamit ng marijuana na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang ilang drug paraphernalias kung saan nakatakdang sampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 9165 sa piskalya ng Valenzuela City.





Comments