top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Usman’ hataw | BAHA AT LANDSLIDE IBINABALA

  • mylene alfonso
  • Dec 29, 2018
  • 1 min read

UNTI-UNTI nang na­raramdaman ang Bagyong Usman bago pa man ang land­fall nito sa Eastern Sa­mar.

Ayon kay PAGASA Fore­caster Benison Esta­reja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 230 kilo­metro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbug­song 65 kph.

Kumikilos ito nang pa­kan­luran hilagang kanluran ng 10 kph.

Babala ng ahensiya, na­nganganib sa baha at land­slide ang mga nasa low lying area ng halos buong Visa­yas.

Samantala, umakyat na sa 17,315 ang bilang ng pa­sahero na stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa ma­samang lagay ng panahon.

Batay sa monitoring ng PCG, alas-11:00 ng umaga nasa 17,315 pasahero, 1,464 rolling cargoes, 116 vessels at 24 motor banca ang hin­di pinayagang makabiyahe sa iba’t ibang pantalan.

Inaasahang lolobo pa ang nasabing bilang sa mga da­rating na oras.

Ayon sa PCG, makaka­biyaheng muli ang mga ito sa oras na bumuti na ang lagay ng panahon, gayundin ang karagatan.

Nabatid na sa Bicol ang may pinakamalaking bilang ng mga na straded na pasa­hero na umabot sa 6,586; Eastern Vizayas, 4,091; Southern Tagalog, 1,770; Central Vizayas, 1648; National Capital Region, 1,049 at Western Visayas, 982; Southern Visayas,736; at Northern Mindanao,453.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page