top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Spokesperson ng isang Gov't. agency, feeling madam kung mag-inarte, may sariling oras ng trabaho

  • Pasaway Spotted
  • Dec 28, 2018
  • 1 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Hindi lang isa kundi marami na rin umanong naiimbiyerna sa isang opisyal ng gobyerno na hindi masakyan ang “attitude.”

Iba raw kasi ang “arrive” ni madam kapag dumarating sa opisina. May sarili siyang oras nang pagtatrabaho, hin­di nga? Napaisip tuloy ang beautician ko kung gaano kalaki ang su­weldo niya sa gobyerno at kung nasusulit ba ang buwis ng taumbayan sa kanya? May pagkaka­taon pa nga raw na papasok sa opisina si madam na super wet hair pa dahil nag­hahabol sa nakali­mutang appointment. Wew!

Pikit-mata at sara­dong-tainga na umano ang ilan niyang ka­opisina sa kaartehang hindi malunok. Ano ba naman sila, siyempre, sikat nga, eh! Siguro naman may “k” siyang mag-inarte? Ako: Ma at Pa (malay ko, pakialam ko).

Dahil sinasabing isa siyang “apple of the eye” ng isa pang mataas na opisyal kaya kahit may kapalpakan, wapa­kels si madam.

Minsan na siyang muntik nang “mangur­­yente” ng impormas­yon. Fake news ang ipinakalat sa publiko. Sakit sa bangs ang gan’un dahil taga­pagsalita pa naman siya ng isang ahensi­ya ng pamahalaan. Hindi ba nakasisira ng kredi­bilidad ‘yan?

But, in fairness kay madam, nagbago na siya ng konti. Konti lang! Noon kasi namimili raw itong si madam ng media na kakausapin. Kapag hindi taga-television network, dedma! Im­portante kay madam ang ma­gandang imahe sa telebis­yon. Doon napa­pansin ni “boss” na nagtatrabaho siya kaya kina-career ang pag-eksena sa TV.

Eh, paano kung pumalpak na hindi pa rin babaklasin sa posisyon? Ansabe, bawal ang fake news! Hindi uunlad ang bayan natin kapag ganyan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page