Pumatay kay Cong. Batocabe, P50 million na ang patong sa ulo

AABOT na sa P50 milyon mula sa dating P30 milyon ang reward para sa makapagtuturo sa pumaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdagdag ng P20 milyong reward money nang bumisita sa burol ni Batocabe nitong Miyerkules ng gabi.
Kaugnay nito, kumbinsido ang pangulo na politika ang motibo ng krimen base na rin sa naging pahayag ng misis ni Batocabe na isang opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng insidente.
“Wala, it could be anybody. When I say politically motivated, it could be the mayor, governor. But my favorite name now is the mayor. But I’m not saying who that mayor is,” pahayag ng pangulo.





Comments