Pumatay kay Batocabe ‘pag ‘di nahuli | GUN-FOR-HIRE GROUPS, MAMAMAYAGPAG


NAGBABALA si dating police general at ngayon ay Antipolo City Rep. Romeo Acop na lumakas ang loob ng mga gun-for-hire kung hindi agad mareresolba ang pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort sa Daraga, Albay.
Ayon kay Rep. Acop, posibleng maging mitsa ang pagpatay kay Batocabe upang muling mamayagpag ang mga gun-for-hire group upang mag-assassinate ng mga high-profile political leader nationwide ngayong papalapait na ang May 2019 midterm poll.
Maaari umanong isipin ng mga miyembro ng gun-for-hire groups na madaling makalusot sa batas at ganu’n kadali ang pumatay ng congressman kung hindi mapananagot ang mga ito sa pamamaslang. (BRT)





Comments